Hindi naman talaga ako masalita tungkol sa mga nangyayari sa aking paligid. Pero ito na marahil ang oportunidad ko na ilabas ang aking mga naiisip at saloobin.
P.S. Halos lahat ng mababasa dito ay sariling opinyon ko lamang.
Ilang buwan na ang lumipas nung lumabas ang balita na magpapatayo ang SM Baguio ng isang parking lot building sa tabi mismo ng nasabing mall. Kaakibat nito ang pagpuputol ng 182 pine trees para mabigyan ng lugar ang gusaling ipapatayo.
Maraming ng kumontra sa gustong ipagawa ng SM. Naalala ko nung Panagbenga Festival :Session in Bloom, may isang grupo na nagpapapirma ng isang petisyon sa mga tao na huwag ituloy ng SM ang pagputol sa maraming puno. (Isa ako sa mga pumirma doon.)
Akala ko hindi na itutuloy ito. Pero sa dumaan sa 2 araw, sinimulan na ng SM ang pagpuputol. Nung huli kong malaman 12 na ang mga naputol ng mga puno. Dahil dito, naglabas na ng TEPO ang gibyerno para itigil na muna sa loob 72 oras ang ginagawa ng SM. Subalit, sa kasamang palad, pinagpatuloy ito. Ayon sa SM hindi daw nila agad nakuha ang kopya ng TEPO.
Ganito ang kanilang ginagawa :|
Nakakapangilabot at nakakalungkot makita sa balita ang unti-unting bumabagsak ang mga puno.
Naalala ko yung isang guro ko sa Socio5c, sabi niya, dati daw kapag paakyat ka palang ng Baguio maamoy mo na yung amoy ng mga pine trees. Nung nagaaral pa daw siya, sobrang lamig daw kaya kailangan pa niyang magsuot ng boots, sweater at jacket pati gloves. Pero sa mga panahoong ngayon, naawala na ang mga ganun. Hindi na kasing lamig gaya ng dati. Yung mga pine trees, unti-unting nawawala at nagiging mga malalaking gusali.
Sayang. Tuluyan ng nawawala ang ganda ng Baguio. :(
Para sa akin, hindi na kailangan ng SM na gumawa ng parking lot building dahil hindi naman ito makakatulong sa turismo o pati sa kalikasan. Hindi naman pupunta ang mga tao para makita ang parking lot building kundi para madama nila ang malamig na panahon at iba ng tanawin.
Sa mga nagsasabi na hyprocrite o ironic na magpoprotesta ang mga tao kontra sa SM pero kumakain o namamasyal naman sila dito pagkatapos, ang akin lang, may mga pangangailangan na pwedeng makita at mabili sa SM lamang. Ang pinoprotesta ng mga tao ay ang mga namumuno at nagpapalakad sa SM at hindi ang mga tindahan na nangungupahan at angbabayad sa nasabing mall. Oo, malaki ang natutulong ng SM at sa mga tao pero hindi ibig sabihin nito na pwede at may karapatan ang SM na sirain pati ang kalikasan. Hindi ibig sabihin na ang kapalit ay ang pagpuputol ng 182 pine trees na naging simbolo na ng Baguio.
Dun naman sa iba na nagsasabing bakit nung unang pinapatayo pa lang ang SM ay hindi nagprotesta ang mga tao, ang masasabi ko lang, dahil noon salat pa sa pine trees ang Baguio at kailangan nito ang isang komersyo na tutulong sa pagunlad ng siyudad. Ngayon, dahil sa climate change at malaking pagkukulang na sa mga puno, gumagawa na ng hakbang ang mga tao para mapangalagaan na ang kalikasan.
Unang araw ng pagpuputol ng SM, sumugod ang mga raliyista. Tinakpan gamit ang mga panharang ng kahoy ang buong SM.
"PUT TREES KA nga SM!"
Itigil na sana ito! Baguio City is known as the City of Pines, hindi naman as a City with a huge-SM-parking-lot-building!!!
#SaveBaguioPineTrees
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento